HOT FRESH NEWS

Willie Revillame vs. Jobert Sucaldito: Willie Revillame Demands ABS-CBN to Fire Jobert Sucaldito or Else...

Tuesday, May 4, 2010 , Posted by JED at 9:40:00 PM

Kaninang tanghali sa kanyang ABS-CBN noontime show na Wowowee, galit na galit na lumabas si Willie Revillame at nagbanta pang magre-resign sa show kung hinde patatalsikin ng ABS-CBN management ang "The Buzz co-host" and radio commentator na si Jobert Sucaldito.

Ang pinag-ugatan nito ay ang pang-iinsulto diumano ni Jobert sa kanyang DZMM radio program na Showbiz Mismo (na pag-aari rin ng ABS-CBN) sa mga contestants ng kanyang noontime show at sinasabing bakit daw pinapayagan ng Wowowee na maging contestants ang mga pasang-awang high school students with general average na 75 - 79 lamang.

Ayon kay Willie, "Nananawagan ako sa management ng ABS-CBN, huwag n'yo namang payagan na tinitira ang show. Ang laki ng kita ng Wowowee para sa ABS. Mamili na kayo. Kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito sa Wowowee! Tandaan ninyo 'yan!

"Wala na kayong ginawa kung hindi tirahin ako dito. Ilang taon na akong tumatahimik. Tinitira ako sa diyaryo ng Jobert na 'yan. Tahimik lang ako. Pero tandaan ninyo ito, kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito! Para po sa mga tao ito. Para sa mga taong espesyal, para sa mga 75 percent ang grades. Ipaglalaban ko ang mga estudyanteng 'yan.

"Sobra na! Huwag mong idadamay ang programang ito! Ang programang ito, ang may-ari ay Pilipino. Hindi ito sa magra-radyo. Mamaya 'yan kapag tinira mo pa ako, hindi na ako papasok dito sa ABS-CBN. Tandaan ninyo 'yan! ABS-CBN management, gawan ninyo ng paraan 'yan. Alagaan ninyo ang mga talent ninyo dahil kami ang nagbubuhos dito ng pagod at lahat. Huwag naman na dito sa sarili naming tahanan ay tinitira kami dito."

To the rescue naman si
Wendell Ramos, co-host ni Jobert sa radio program na "Showbiz Mismo", "Ang tagal na noon, last week pa. Nagulat na lang kami biglang nag-react si Willie. Hindi naman sinabi ni Jobert na bobo. Ang sinabi niya bakit 75 to 79 ang kukunin, bakit hindi mataas? Para ma-inspire ang mga bata na mag-aral ng mabuti para makakuha ng 90 average grade para makapasok ako sa Wowowee."

Sa interview ng TV Patrol World kay Jobert ngayong gabi, inilabas nito ang kanyang sentiments sa naging pahayag ni Willie at sinabing malaya syang magbigay ng opinion, "Kung 'di nya gusto ang ginagawa ng news magagalit sya, ok lang pwede. 'Pag tayo 'di natin sya pwedeng punahin. Pare-pareho lang naman kmeng nagtatrabaho sa ABS. I don't think that's fair. You challenge the management na if you don't take me out magre-resign ka? You don't have to go that far."

Sa inilabas na official statement ng Kapamilya network, sinabi nila na nakikipag-usap na sila sa magkabilang kampo tungkol sa isyu.

"Kinausap kaagad ng pamunuan ng ABS-CBN si Willie at Jobert tungkol sa isyu sa pagitan nila. Naniniwala ang ABS-CBN na maaayos ito sa magandang pag-uusap at di nararapat magsagutan pa sa ere."

Currently have 14 comments:

  1. Anonymous says:

    Willie mag resign ka na. we are waiting.....
    ABS-CBN hostage? Lols!!!

  1. Anonymous says:

    yeah.. maxado ka ng mayabang, nun wala ka nga ng almost 1 month, maaus naman yun show, kaya kahit mawala ka, mas lalong ok.. madami pang mas magaling sau, di lang nabibigyan ng break..

  1. Blas Delfin says:

    Willie is cocky, over confident pero in fairness his reason is very rationale. Tama siya. Jobert should NOT criticize their own company shows, this is business and would affect ratings. Why not criticize other shows on competing company, that would help. Doing the other way around is simply destroying your own house. I guess you are the Moron and NOT the 'pasang-awa' students of Willie.

  1. Anonymous says:

    Bastos na bata! Very bad Willie. Very, very bad.

  1. Anonymous says:

    mayabang k tlga Willie...lhat ng pinapakita mo sa show mo, kaplastikan...Kunwari mabait ka sa mga elderly at sa mga bata..pro sa mga staff mo palamura ka...wla k nmn talent eh, kya ka lng gus2 ng mga tao kc ginagamit mo pera ng ABS. Corny k pa mag joke..ikw unang tatawa..Willie, Manyak...harharhar.

  1. Anonymous says:

    sabi nya mas mabuti yung tayo ang nasasaktan kesa tayoang nakakasakit! hayyy... he's not living by his examples...

  1. Anonymous says:

    mongoloid kc yang c willie eh.. biruin mo 75 to 79 ang grades na kukunin na contestant? d man lang nya naicip na sa side ng mga contestant nakakahiya yun, pero dala ng kahirapan sumasali cla .. Ugali mo na yan willie noh ang manghiya ng mga tao, katulad ng mga staff mo

  1. Anonymous says:

    ang dami mong satsat willie revillame, kung ndi dahil sa abs-cbn ndi ka mabibihisan at ndi k magmumukang tao. ndi ka marunong mag-isip, inuuna mo init ng ulo. suggestion, kapag ndi umalis si jobert ikaw ang umalis at kapag ndi mi ginawa yun wala kang isang salita. pag ginawa mo yun super proud kami syo. walang balat-kayo ha ha. baka mamaya sbihin mo on screen ok n ulit kayo ni jobert. such a loser!

  1. Anonymous says:

    Willie just showed lack of education for not even bring this issue in the proper place with privacy to be settled. He must remember that it was ABS-CBN who helped him out when he was nothing. Baka nakalimutan niya na... wala na siya when ABS-CBN came to help him, Ngayon malaki na ang ulo!!! He will never have any endorsement if ABS-CBN never came up with a show for him to host. FYI... maraming magaling na host....!!! Ngayon sino ang mukhang tanga at kawawa? LOL!!!!

  1. Anonymous says:

    dapat mag resign ka na at ipalit ang showtime much better pa sa show mo. or kaya palitan ka na lang ni vice-ganda im sure mas tataas pa rating...

    GO RESIGN NOW...

  1. Anonymous says:

    oo msyado n nyang niloloko mga tao, pati wowowee ginagamit nya para kuhanin sympatya ng tao...sna s iba wg ng mgpadala ky willie msyado n malaki ang ulo, parang ngmamay-ari ng lahat.

  1. Anonymous says:

    Kawamang Money Villar, yan ba ang klase ng endorser na meron sya?

    Pag natalosi Money for sure may kinalaman din attitude ni Willie.

    'Di pa nga nananalo grabe na sila mag-power trip.

  1. Anonymous says:

    wowowee is wowowee . even without revilame the show will still be #1. MATAGAL NA NMING HNIHINTAY TANGGALIN K NG ABS CBN.MAS MRAMING MY TALENT KESA SYO ANG PEDENG MAGING HOST NG WOWOWEE. DPAT PLITAN N ANG PANGALAN NG SHOW KALA KC NG REVILLAME N YAN S KANYA ANG SHOW.STUPID WILLIE LUMAYAS K NA.

  1. Anonymous says:

    Willie is the best host !!!
    he can out stand better 90% of ya'll hosts can! especially u critic hosts!
    there's no way this guy will resign!
    not if he loves his job and helping others than his pride.

    -eminem

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...