HOT FRESH NEWS

Gabby Concepcion and Sharon Cuneta Reunite This Sunday on "Sharon"

Friday, June 11, 2010 , Posted by JED at 1:53:00 PM

Isang espesyal na 'mega family reunion' ang tiyak na aabangan ngayong linggo, June 13, sa top-rating musical variety show na Sharon. Matapos ang mahigit isang dekada, muling magsasama sa iisang show sina KC Concepcion, Gabby Concepcion at si Megastar Sharon Cuneta.


Kasama ang bestfriend ni Mega na si Zsa-Zsa Padilla bilang co-host, tampok sa two-part special ng Sharon ang mga exclusive photos, never-before-heard stories at must-see production numbers na pagsasamahan nina KC, Gabby at Sharon.


Kwento ni KC, hinding-hindi niya malilimutan ang gabing nakasama niyang muli ang kanyang Mama at Papa. "This moment is really inspiring. Hindi naman araw-araw nagkakaroon ng chance na magkita-kita ulit kaming tatlo, to be on my Mom’s show and makita silang dalawang nag-uusap."

Dagdag pa niya, "Meron talagang purpose kung bakit kami pinagtagpo ulit. May rason kung bakit kami nagpunta sa show ni Mama and nakagawa kami ng movie together ni Papa. Hindi lang ‘to para sa show. Parang I waited all my life for this moment."



Abangan ang kabuuang kwento ni KC at ang nakakikilig na pag-uusap nina Sharon at Gabby sa first part ng special episode na ito ngayong Linggo sa nag-iisang musical variety show "kung saan lagi kang kasama," ang Sharon, pagkatapos ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

Currently have 8 comments:

  1. Anonymous says:

    Nice to see them all together. Galing ng ABS-CBN.

  1. Anonymous says:

    Sharon-Gabby pa din.

  1. Anonymous says:

    bagay pa rin cla....lagi ko clang inaabangan na mag tambal ulit....

  1. Anonymous says:

    sana gumawa na sila ng movie at magkaroon din ng concert silang tatlo.

  1. Anonymous says:

    iba talaga ang saya ni sharon kapag she's with gabby may glow.. kpag with kiko walang glow!!

  1. Anonymous says:

    Sharon said inlove pa rin daw sya with the loveteam(sharon-Gabby)not in real sharon & gabby!!Hayyy..kaplastikan kaya yon!!obvious naman kinikilig pa rin sya ky gabby eh..

  1. Anonymous says:

    hello!!birthday ni kc 2morrow sana magkkasama silang tatlo s birthday ni kc(kc,sharon & gabby) ang saya cguro ni kc!!

  1. Anonymous says:

    ????sure!

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...