HOT FRESH NEWS

The Nation Mourns on the Death of ‘Mara’

Tuesday, March 8, 2011 , Posted by JED at 11:44:00 PM


Lumuha ang buong bayan sa pagpanaw ni Mara (Kathryn Bernardo) sa nangununang teleserye na “Mara Clara.”

Iba’t iba ang naging reaction ng mga fan sa kakaibang twist na naganap sa kwento ng top-rating series. Isa na rito ang isang 11-year old na batang babae na nagngangalang Pamela na lubos na naapektuhan sa pagkamatay ni Mara.

Naka-paskil sa YouTube ang reaksyon ng bata na naitampok pa sa TV Patrol. Todo iyak si Pamela at sinisigaw pa ang pangalan ng bida habang nasa tapat ng telebisyon. Mahigit sa kalahating milyon na ang hits nito sa YouTube.





Nang tanungin si Kathryn kung ano ang kanyang reaksyon sa libu-libong taga-subaybay ng Mara Clara na todo ang pagkalungkot sa pagpanaw ng kanyang karakter sa teleserye, ang naging sagot ng dalaga ay, “Mas nalaman ko po ngayon ang responsibilidad namin sa mga taga-subaybay ng aming teleserye, lalo na po sa mga bata. Nakakataba po ng puso ang kanilang mainit na pagtanggap.”

Samantala, subaybayan pa ang mga kakaibang pangyayari sa pamilya Del Valle at sa mga David ngayong wala na si Mara.

Patuloy sa pagdu-domina sa ratings ang "Ina ng teleserye." Base sa Kantar Media/TNS, nagtala ito ng 37.1% national rating kumpara sa naghihingalong "I Heart You Pare" na nakakuha lamang ng 17.1% noong March 4.

Tumutok lamang sa mga makabagbag-damdamin pang kaganapan sa “Mara Clara” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin”.


Currently have 3 comments:

  1. Anonymous says:

    Pls Bumalik k MARA!! pls lang!

  1. Angel says:

    hindi na raw babalik si Mara kasi may mas malaking project na ibibigay sa kanya ang ABS-CBN. nakakalungkot man pero according sa news, si Clara na raw ang magiging bagong bida sa Mara CLara. di tulad ng dati na sya nag kontrabida, ngayon sya na ang magiging bida sa teleserye. gagawin daw syang mabait.

  1. Anonymous says:

    i don't think na ganon ang mangyari sa mara clara. ang pangit ng maging story kung kay clara n lng mag focus...besides kung ano man ang maganda project n ibibigay ng ABS kay kathryn makapag antay naman un after ng MARA CLARA series. at sa story c gary lng ang namatay!!! kaya mara clara p rin sa huli...nasaan ka mara??? bumalik ka na........

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...